GMA Nework released an Official Statement on Arnold Clavio's comments on PHL Azkals as a response to the statement of the Philippine Football Federation about Arnold Clavio:
Meanwhile, you can read the Philippine Football Federation (PFF) formal complaint, here!
Kamakailan, inireklamo ng sexual harassment ang dalawang miyembro ng PhilippineAzkals ni dating Philippine Olympic Committee President Cristy Ramos, anak ni dating Pangulong Ramos.
Nitong Martes, napag-usapan po sa Unang Hirit ang sexual harassment complaint ni Cristy Ramos laban sa dalawang miyembro ng Azkals kung saan nagbigay ang ilang hosts ng kani-kanilang opinyon.
Kahapon, nakatanggap ang GMA Network ng liham mula sa Philippine FootballFederation o PFF kung saan inireklamo ang mga komentaryo nina Arnold Clavio at Rhea Santos sa kanilang programa.
Nais po linawin ng GMA Network na ang mga inirereklamong pahayag ay hindi bahagi ng aming news reporting kung saan tanging mga statement of facts ang ibinabalita at kung saan walang puwang ang pagbibigay ng opinyon ng mga host. Ang mga inireklamong pahayag ay unscripted discussion ng Unang Hirit hosts sa commentary segment ng programa kung saan sila ay nagpalitan ng opinyon at nagbigay ng kani-kanilang pananaw tungkol sa naturang issue.
Nalulungkot po ang GMA Network na iba ang naging intindi ng Philippine FootballFederation sa mga sinabi ni Arnold. Ang pinapatungkulan ni Arnold ay hindi kung Filipino citizen o kung may lahing Pilipino ang mga Azkals kundi kung naisapuso at naisaisip ba nila ang kulturang Pinoy.
Ang issue na tinalakay sa Unang Hirit ay sexual harassment—isang mahalagang issue kung saan matindi ang paninindigan ng mga host. Meron pong karapatan sina Arnold, Rhea at iba pang host na ihayag ang kanilang opinyon, isang karapatang pinoprotektahan ng ating Saligang Batas. Sang-ayon man kami o hindi sa kanilang opinyon, ang karapatan nilang ihayag ito ay kinikilala ng GMA Network tulad ng aming pagrespeto sa karapatan ng publiko at maging ng PFF na maghayag ng kanilang opinyon—basta ang nasabing opinyon ay hindi labag sa batas.
Sa liham ng Philippine Football Federation, sinabi nilang racist, discriminatory, libelous at malicious ang mga pahayag nina Arnold Clavio at Rhea Santos. Pero ang GMA Network po, walang nakitang racist, walang discriminatory, walang libelous at walang malicious sa mga komentaryo nina Arnold at Rhea.
Meanwhile, you can read the Philippine Football Federation (PFF) formal complaint, here!
Tidak ada komentar:
Posting Komentar